Mas totoo kung uunahin ang mga tiwaling BIR at BOC

“ISANG kaso kada dalawang Linggo.”

Yan ang utos ni Pang. Noynoy kay BIR Kim Henares at BOC Comm. LitoAlvarez.

Kaya kung mapapansin n’yo, salitan ang dalawang ahensiya sa pagsasampa ng kaso laban sa mga sinasabing ismagler at mandaraya sa buwis.

Wala pong tutol ang ULTIMATUM sa kautusang ito ng ating minamahal na Pangulo, pero mukhang mali ho ata ang pinupuntirya nilang target.

Siguro’y mas maganda kung mag-umpisa na muna sila sa mga tauhan ng gobyerno na sandamukal na ang naging salapi dahil sa kanilang pagkunsinti o minsan ay pagiging kakutsaba  sa kailigalan.

Unahin na natin ang mga deputy commissioner ng Customs na nakapuwesto pa at siyempre yung nag resign na si Jake Pagunatalan na boundary na.

Ilan pa lang ho yan sa mga sample.

May isa namang examiner lang ng BIR na may apelyidong Estrada pero ang anak ay sa ibayong dagat pa nag-aaral.

Siyempre ang mga Regional Director ng BIR na hindi na mabilang ang bahay at kotse sa dami.

Yan po ang unahin n’yo Pang. Noynoy, dahil yan po ang nagsisilbing ugat ng makasalanang halaman na pumapatay sa taumbayan.

oOo

Gusto n’yo rin lang ng kasuhan para maipakita na totoo ang kampanya ng pamahalaan, bakit hindi n’yo pa sinasampahan ng kaso ang abusadong tulad ni Winston Garcia? Dahil ba yan sa usaping pulitika?

oOo

Paano kaya matutulungan ng pari ng Baclaran ang mga debotong humihingi ng kapatawaran sa
Panginoong Diyos sa kanilang mga kasalanan kung mismong ang simbahan ay napaliligiran ng putahan?

Siguro ay puwede na rin nating tawaging “Inutil ang pari ng Baclaran.”

Gaya ng alkalde ng Paranaque na si Mayor Jun Bernabe at ang pinsan nitong barangay chairman ng Baclaran.

oOo

Kapupuwesto pa lang ni Gen. Rongavilla sa MPD pero sa halip na trabaho ang asikasuhin ay nauna pa raw nitong inatupag ang koleksyon sa mga iligal.

Hooops! Huwag ho kayong magagalit General Ronga dahil pangalan n’yo po ang ginagamit ni Mike
Pornillos sa kanyang pangongolekta sa mga iligalista.

Kung totoo ho ito, General, eh… Mahiya naman po kayo.

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply