Masisibak dahil sa hostage taking marami pa

MARAMI pang opisyal ng gobyerno ang masisibak sa puwesto bunsod ng palpak na pagresolba sa madu-gong hostage taking  no-ong Agosto 23, 2010 na nagresulta ng pagkamatay ng walong Hong Kong nationals.

Sinabi ni Presidential spokesman Atty. Edwin La-cierda na ito ang dahilan kung bakit ipinaubaya na ng Malakanyang kay Justice Secretary Leila de Lima, opisyal na nangunguna sa Incident Investigation and Review Committee, ang usaping ito para maiwasang  mapagbintangan ang Pangulong Benigno Aquino III na “bias” o may kinikilingan.

“He (Aquino) promised heads will roll. That’s the statement I can make. We are letting the investigation committee take its course. It has been a very credible investigation process and we will wait for the report and the conclusions and recommendations of the investigation committee,” ang pahayag ni Lacierda.

Nilinaw ng opisyal na wa-la ni isa mang opisyal ng pa-mahalaan na pakikiusapan na magbitiw sa tungkulin bago pa man sila sibakin sa puwesto.

Nauna rito ay nagpaha-yag ng kahandaang magbitiw sa puwesto si DILG Undersecretary for Peace and Order Rico Puno, na may direktang partisipasyon sa PNP operations noong mangyari ang  hostage crisis, kapag lumabas sa ginagawang pagsusuri ng IIRC na kasalanan niya ang pagkamatay ng mga Tsinoy  hostages na lulan ng Hong Thai tourist bus.

Nakahanda rin si Presidential Communications Ope-rations head Secretary Sonny Coloma na magbitiw sa tungkulin kung nanaisin ng Pangulo.

Matatandaang inulan ng pagbatikos ang grupo ng PCOO dahil sa hinayaan ang media na isapubliko ang mga sensitibong galaw ng mga kapulisan para matugunan nang maayos ang ginawa ng hostage-taker na si Sr. Insp. Rolando Mendoza.

Apat na team leader ng Manila Police Special Wea-pons and Tactics (SWAT) unit na rumesponde sa hostage crisis ang nasibak mula sa kanilang mga tungkulin at ito ay sina  Chief Inspector Santiago Pascual, Senior Police Officer 4 Reynaldo Antonio, SPO3 Al-fonso Gameng, at SPO2 Bernardo Espinosa habang naka-leave naman sa puwesto si Manila Police District Chief Supt. Rodolfo Magtibay, tumayong ground commander.

Noong nakaraang linggo ay inako ni Pangulong Aquino ang palpak na pagtugon ng kapulisan sa operasyon ng hostage crisis.

“At the end of the day, I am responsible for everything that has transpired,” ayon sa Punong Ehekutibo bilang pagdepensa kay Interior Secretary Jesse Robredo, kung saan tungkulin ng departamento nito na tutukan ang PNP  operations.

Si Robredo ay kasalukuyang  vice chairman ng IIRC. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply