Mass leave ng mga hukom kinumpirma ng PJA

Inamin kahapon ng pinuno ng Philippine Judges Association na matagal nang may umuugong na mass leave sa hudikatura dahil sa pagkadismaya ng mga hukom at mga empleyado ng iba’t ibang korte sa bansa.

Ginawa ni PJA President Antonio Eugenio ang kumpirmasyon bunsod ng naging pahayag ni Court Administrator Atty. Midas Marquez sa napipinto umanong judicial revolt ng mga taga-hudikatura dahil sa sinasabing kakulangan pa rin ng pondo ng nasabing sangay ng gobyerno.

Sinabi ni Eugenio na sa panahon pa ni dating Pangulong Corazon Aquino, problema na ang kakulangan sa pondo ng hudikatura bagama’t malinaw sa Saligang Batas na dapat ay tumatanggap ito ng isang porsyento sa pondo ng pamahalaan.

Inihayag pa ng PJA presidente na umaasa sila na sa panahon ngayon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, magagawan na ng paaraan ang problema sa pondo ng hudikatura.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply