Matapos and media, ngayon ay Ombudsman naman

SI Deputy Ombudsman for Police and Military Affairs Emilio Gonzales naman ang gustong gawing may kasalanan ng kapulisan sa nangyaring patayan sa Quirino Grandstand.

Sinabi ni C/Insp. Romeo Salvador na sa pag-uusap sa cellphone nina S/Insp. Rolando Mendoza at Dep. Omb. Gonzales, narinig niya mula sa una ang mga katagang “P*&^#* ^*# mo! Humihingi ka pa ng P150,000 para sa kaso ko. Kapag nagkamatayan dito kasalanan mo lahat.”

Pero nang maimbestigahan ang drayber ng bus na si Alberto Lubang, sinabi nito na wala siyang narinig na pagmumura at P150,000 na usapan.
Ano ba ang totoo?

Sasabihin mong may tongpats na nagkakahalaga ng  P150,000 kaugnay ng kasong extortion con shabu ng namatay na hostage-taker?

Ang tanong naman ni Dep. Omb. Gonzales ay “Sino,  saan at kailan?”

Sino ang kausap ni Mendoza sa P150,000? Saan napag-usapan at kailan?

Sinabi ni Gonzales na ni minsan ay hindi nito nakilala o nakausap man lang si Mendoza.

Para sa ULTIMATUM, naniniwala tayong hindi magagawa ng deputy ombudsman ang paratang na yan.

Kilala natin ito nang personal at kasapi din ito ng Multi-Sectoral Anti-Corruption Council (MSACC).

Kilala natin itong napakasigasig na bunutin ang lahat ng ugat  at pulakin ang puno ng korapsyon hindi lang sa loob ng Office of the Ombudsman kundi pati sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan.

Sa sitwasyong ito ay may nasisilip tayo, mga Bro –  malamang na ang layunin ng paglalabas ng akusasyong pangongotong ay dahil sa mga kasong dumarating sa Ombudsman.

Lalo na sa bahagi ng mga pulis na madalas masangkot sa mga katiwalian.

May gustong sumira sa pangalan ni Gonzales dahil hindi ito napalulusutan. At itinaon pa ang paninira sa trahedya sa Luneta para nga naman kapani-paniwala.

Hay naku! Nung una ay pilit itinuturo sa media ang kasalanan ngayon ay sa Ombudsman naman?
Baka naman sa susunod ay pati pagbaril kay Rizal ay sa amin din maituro?
PAGING OWWA

Good am, Sir Benny. Ako po ay may anak na OFW sa Hong Kong. Siya po ay naoperahan ng appendicitis doon. Itatanong ko lang po sa inyo kung meron siyang makukuhang tulong sa OWWA? Maraming salamat po.                       0915590

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply