Matatanda sa saklang patay aasa, di sa DSWD

PINAKAMABUTING huwag na lang umasa ang ating mga senior citizen sa buwan-buwang bigay na P500 ng gobyerno ni P-Noy.

Ito’y para hindi sila magkasakit sa puso sa sama ng loob at manatiling masigla hanggang sa kunin sila ni Lord.

Kaugnay ito, Suki, ng laban-bawi na patakaran ng gobyerno ukol sa sinasabi ng Expanded Senior Citizens Act na bibigyan ng mga kinauukulan ang mga senior citizen, lalo na ang mga purdoy, ng buwanang P500 na alalay.

Noong una, namamalat sa kapapaliwanag sina DSWD Dinky Soliman at mga asungot nito ukol sa kagandahan ng batas.

Pero hindi pa natutuyo ang kanilang laway sa pagmamalaki ng kagandahang ng batas, heto’t halos binawi na nila ang lahat  ukol sa usapin.

Hindi umano kaya ng gobyerno ni P-Noy ang magbigay ng P500 at kung magbibigay man ay para sa mga 80 anyos lang pataas.

Waaaaat?

Sinong pur senyor sitizen ang makaaabot ng 80, huh?

Di ba naiisip ng mga onorabol na ito na maagang namamatay ang mga pur dahil sa kawalan o kakulangan ng sustansiya ng kanilang fud at kawalan nila ng kakayahang magpa-doktor kung sila’y nagkakasakit?

In ader words, Suki, para na ring sinasabi ng mga hangal sa DSWD na hindi sila magbibigay.

Mabuti pa ang mga nagpapasaklang-patay, sigurado na gabi-gabi na makapag-aabuloy sila ng P500 kina lolo at lola habang sila’y nakaburol at nag-iipon ng kanilang pampalibing.

Ni wala ngang anino ang mga taga-DSWD sa kamatayan ng ating pur na matatanda.

Peksman!

oOo

Sabagay, humihingi naman ng pag-unawa sina Ms. Dinky.

Talagang wala o kapos talaga ang gobyerno ng pondo, sabi nila.

Halos walang itinira nina Gloripie, katwiran mismo ni P-Noy!

Naiintindihan natin, Suki, ang kalagayan ng pamahalaan.

At magandang humihingi ito ng pag-unawa sabay sabing isasagawa naman nila ang pagbibigay ng P500.

Pero para lang talaga sa mga pur na 80 anyos pataas.

At kung gaganda raw ang ekonomiya sa 2011, susubukin nila ang magbigay sa nasa isang milyong matatanda.

Nakupo, andito na naman ang pangako na hindi lang mapapako kundi liliko palayo sa may nakatirik nang kandila para kina lolo at lola.

Siguro, panahon nang mag-isip-isip ang mga onorabol sa paggawa ng batas.

Huwag silang gagawa-gawa ng mga batas na para sa  halalan lamang gaya ng nangyari sa expanded senior citizens act na nagbibigay ng P500.

Pero kung gagawa sila, tiyakin lang nila na makikinabang naman ang mga buhay pa, noh!

Ito lang ang masasabi natin: walang laban-bawi sa mga pork barrel ng mga kongresman, senador at taga-Palasyo, pero meron sa mga alalay/abuloy sa matatanda?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply