Media sa hostage crisis inabswelto ng Palasyo

HINDI pinaboran ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang pag-aresto ng mga mamamahayag na nag-cover sa madugong hostage crisis.

Ito ang kinumpirma ng pamunuan ng Presidential Commission Operations Office (PCOO) sa pangunguna ni Secretary Herminio Coloma sa kanilang pagharap sa deliberasyon ng badyet ng Office of the Press Secretary.

Sa pagdinig ng House committee on appropriations, tiniyak ni Coloma na hindi nila papayuhan si Pangulong Aquino na ipakulong ang media tulad ng naganap sa Manila Peninsula siege noong Nobyembre 2007.

“Ang overall policy ng Pangulong Aquino ay huwag rendahan ang media sa pagtupad ng tungkulin,” wika ni Coloma.

Ang pondo ng OPS ay binawasan ng 15 porsiyento sa 2011 proposed national budget. Ito ay maliit na dipresensya kumpara sa tinapyas na 40 porsiyento ng Department of Budget and Management (DBM) sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Nang toka na ni San Juan Rep. JV Ejercito na magtanong, isa sa mga kinuwestyon nito ay ang pananatili ni Tonypet Albano, naging spokesperson ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, sa tanggapan ni Pangulong Aquino.

“Why is my friend Tonypet Albano still here?  When I was campaign manager of the Genuine Opposition when the president was still a senatorial candidate, he was my opponent in the other side in Team Unity,” ani Ejercito.

Sinagot lamang ito ni Coloma na, “your honor, we appreciate it. We take note of your suggestions.”

Si Albano ay chairman ngayon ng RPN-9.  Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply