Memo sa parak: Ako ang sundin ninyo– Robredo

PINAKONTROBERSIYAL na miyembro ng gabinete ngayon si DILG Secretary Jesse Robredo.

Maraming kritiko ang umuupak sa kanya, pero wala namang batayan.

Pero, kakaiba an gating diskarte sa kolum na ito.

Ipapakita natin ang mga aktuwal na ebidensiya sa maseselang isyu na pinuputakte sa  media.

Nakapunto kasi ang usapan kung totoo ba o hindi na wala siyang hurisdiksiyon sa “police matters” gayung siya ang kalihim sa kanyang departamento.

Itinuturo niya angkanyang undersecretary na si Rico Puno na siyang nakatoka sa “police matters” kaya’t  hindi siya responsible sa palpak na rescue operation sa madugong hostage-taking sa Luneta Park noong Agosto 23, 2010.

Inilakip natin sa kolum na ito ang isang  memorandum na nilagdaan ni Robredo noong Agosto 9, 2010 na nagpapatunay hindi totoo ang sinasabi niya na wala sa kanyang kapangyarihan ang police matters bagkus ay nakatoka sa kanyang undersecretary.

Sa totoo lang, ayon sa ating mga “BISTIDA”,  tawag natin sa ating assets sa loob ng  kagawaran, matagal nang may paksiyon sa loob ng DILG.

Hindi pa man nagaganap ang gulo sa hostage-taking, nakakaramdam si Robredo na inietsapuwera siya ng kanyang mga “subordinates” at  nawawala ang loyalty ng mga ito.

Hindi siya mapakali sa sarili niyang  “kaharian” dahil may ibang “panginoon” ang kanyang mga ayudante.

Upang maibalik ang “inaagaw” na kapangyarihan nagpalabas siya ng “dalawang memorandum”.

Yung isang memorandum ay sa susunod na isyu natin ilalabas.

Malinaw sa  memorandum na diretsong inaatasan niya ang lahat ng kanyang mga “subordinates” na sumunod sa kanya at hindi sa “ibang opisyal” particular ang may kaugnayan sa “pulisya”.

Nagpapatunay dito na hindi maaaring mai-detail o magkaroon ng “assignment” ang sinumang “police officers” nang wala siyang pag-sang-ayon o kautusan.

Sa ganitong punto, malinaw na ang mga parak na naidestino sa hostage-taking ay NAPAKAIMPOSIBLENG HINDI NIYA binigyan ng bendisyon sapagkat kung hindi “nagpaalam” sa kanya, malinaw na   NILABAG ng mga ito ang kanyang MEMORANDUM na may petsang  Agosto 9.

Pero, hindi iyan ang isyu, ang malinaw na isyu dito ay ang pagkakaroon ng DEMORALISASYON sa hanay ng pulisya at sa hanay mismo ng DILG personnel dahil sa “pag-aagawan” sa poder at kapangyarihan.

Batay sa dokumentong nakalap ng kolum na ito, malinaw na nagsisinungaling  si Robrero nang paulit-ulit niyang sabihing  hindi siya responsible sa palpak na resulta sa hostage-taking, walang DUDA, Sec. Robredo, BISTADO KA!

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply