Mepranum swak sa Pacquiao fight

INANUNSIYO kahapon ng Top Rank na makakasama sa undercards si Pinoy pugilist Richie Mepranum sa gaganaping Manny Pacquiao-Antonio Margarito mega-show sa Cowboys Stadium sa Dallas, Texas.

Ikinatuwa naman ni Mepranum ang anunsiyong ito at sinabing masaya siya dahil gusto niya talagang makasabay sa laban ni Pacquiao na isang kongresman ng Sarangani.

Ayon sa pamunuan ng Top Rank, kasama rin si Kelly Pavlik ngunit hindi pa nila binanggit ang makakalaban ng mabagsik na boksingero.

Samantala, isa rin sa mga undercards ang sagupaan nina Guillermo Rigondeaux at Ricardo Cordoba.

Kasabay nito, si Mike Jones naman ay haharap kay Jesus Soto Karass habang makikipagbasagan din ng mukha si Robert Marroquin laban sa isang hindi pa binanggit na katunggali.

Magpapakita rin umano ng aksiyon sina Jose Benavidez at Winston Mathis at gayundin si Joe Hanks.

Kasama rin sa card ang bakbakan nina Mike Lee at Keith DeBow. GP

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply