Mga bastos na tauhan ng PNR dapat na pagsisibakin

ANG kabastusan at kawalang modo ng ilang  mga tauhan at guwardiya ng Philippine National Railways (PNR) na may biyaheng Tutuban-Alabang vise versa.

Ibang klase raw kung magtrato ang mga kawani ng PNR sa mga pasahero. Sa halip na makiusap ang mga ito ay parang mga hayop kung itaboy ang mga pasahero na kanilang pinalilipat ng upuan.
Basahin natin ang reklamo ng mga pasahero ng PNR.

Gandang gabi, Sir Johnny. Pasensiya na, sa ganitong oras ay nag-text ako sa iyo upang magreklamo sa kabastusan at kawalan ng konsiderasyon ng ilang tauhan at gwardiya ng PNR. Ang biyahe ng tren ay Tutuban-Alabang vise versa.

Ang unahang parte ng tren, ayon sa kanila, ay para sa senior citizens, babae at mga bata. Siyempre pa, kung may anak ka, mas gugustuhin mo na sa tabi mo maupo. Kaya lang, kung minsan, dahil sa pangangailangan,  dapat na katabi  mo o kasama man lang ang asawang lalaki dahil sa napakarami ninyong dalang bag at may mga bata pang dapat na kalungin.

Subalit ang mga walang pusong tauhan ng PNR at mga gwardiya na umaastang may-ari ng PNR ay mga bastos na pilit pinaaalis ang tatay.

Kahit pa maayos kang makiusap na kahit tumayo na lang malapit sa inyong mag-iina ang yong mister.

Nakikita raw ng iba na pinapayagan ang lalaki ka-sama ng mga babae. Sa to-too lang, maging ang mga babaeng pasahero ay naki-kiusap na huwag paalisin ang mga anak.

***

Gaybar sa Pasa pader

Grabe pa rin ang gina-gawang kalaswaan ng mga macho dancer sa Big Papa sa Tramo, Pasay City.

Hindi kumikilos ang ka-pulisan ng Pasay City kahit mahalay ang pinaggagawa sa nasabing gay bar.
May “tongpats” yata!

oOo

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764,09266719269 o email juandesabog @yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply