Mga dinakip sa gun ban mapapalaya

MAAARING mapalaya rin nang walang kaso ang mga dinakip na indibidwal na may kaugnayan sa ipinatutupad na gun ban ng Commission on Elections  dahil sa sablay na ‘effectivity date’ ng nasabing kautusan.

Bunsod nito, posible pang maresbakan ng kasong criminal at administratibo ang Comelec at Philippine National Police dahil sa mas maagang pagpapairal ng gun ban at appointments ban.

Noong Sabado ay pinairal na ang .gun ban resolution subalit sa ilalim ng Comelec en banc Resolution No. 9028, nakasaad na dapat na ipairal ito matapos ang 7 araw matapos itong mailathala. Noong Set. 21 lang nai-publish ang nasabing gun ban kaya’t dapat ngayong araw lang ito ipatupad.

Ayon naman kay election lawyer Romulo Macalintal, dapat nang palayain agad ang mga dinakip ng PNP mula Set.  25 hanggang Set. 27 dahil maaari silang kasuhan ng illegal arrest at arbitrary detention.

Samantala, sa kabila nito, sinabi ni PNP chief, Director General Raul Bacalz na isasampa pa rin nila ang kaso laban sa 10 katao na naaresto sa unang dalawang araw na implementasyon ng gunban. Ann Pimentel/Evelyn Garcia

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply