Mga kongresista di kasali sa junket trip

TAPOS na ang junket trip sa mga kongresista.

Ito ay dahil walang kongresista ang inalok o inimbitahan ng Malakanyang na sumama sa biyahe ni Pangulong benigno Aquino III sa Estados Unidos.

Sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte na mismong siya ay nagulat dahil wala pang limang kongresista ang nagpahayag sa kaniya ng kagustuhang umangkas sa biyahe

“Suprisingly, you might surprise ha, not too many congressman desire to joint the trip,” ayon kay Belmonte na kabaligtaran naman ng nakaraang administrasyon dahil sa tuwing may biyahe ay hindi naiiwasang may sumabit na mambabatas.

“Less than the fingers of one hand have shown interes in going,” dagdag pa ni Belmonte.

Naunang napaulat na posibleng sumama si dating First Lady Imelda Marcos, chairman ng House Committee on Millenium Development Goal (MDG) matapos siyang payagan ng Sandiganbayan at pagbayarin ng cash bond na P700,000 subalit inihayag ni Belmonte na hindi naman ito inimbitahan ni PNoy.

Ang mahalaga aniya ay maipakita ni Pnoy sa United Nation (UN) na hindi bongga ang delegasyon ng Pilipinas lalo na’t ang isa sa kanyang misyon ay ireport ang nagawa ng bansa sa pagpapa-angat sa buhay ng mga mahihirap sa nakaraang 10 taon.

“There are a million Filipinos living in United States if  they want support from the gallery of United Nation.” Meliza  Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply