Mga nagugutom na Pinoy lumobo na sa .7M

Nababahala si Alagad Party-list Rep. Rodante Marcoleta sa paglobo ng bilang ng mga Pinoy na nagugutom sa bansa, at kung hindi ito agad na maagapan ay malamang na dumoble ito sa susunod na taon.

Ayon kay Marcoleta, umaabot na sa 700,000 Pinoy sa bansa ang nagugutom kada taon.

Batay sa datos na ipinalabas ng SWS sa isinasagawang pag-aaral sa paksa, tumaas mula 3.9 sa 4.2 porsyento sa huling bahagi ng 2005 at unang bahagi ng 2006, ang naitalang bilang ng mga Pinoy na nagugutom.

“Sa kabuuan ay 16.9 porsyento ng pamilyang Pilipino ang kumakalam ang sikmura sanhi ng matinding kahirapan, na pinalala pa ng malnutrisyon na lumaganap noong taong 2003,” giit ng mambabatas.

Dahil dito, inihain niya ang House Bill 1326 o Food Subsidy Program Act of 2010, na naglalayong patatagin ang programang subsidiya sa pagkain, na pangungunahan ng bawat lokal na pamahalaan sa pakikipag-ugnayan sa Department of Interior and Local Government, Department of Social Welfare and Development at Department of Education, upang matiyak na pakikinabangan ito ng mga tunay na biktima ng gutom.

Sa ilalim ng panukala, titiyakin ng mga kalihim ng DILG at DSWD na matukoy ang lahat ng nararapat na makinabang sa programa sa pamamagitan ng isang epektibong sistema na ipaiiral sa ikatatagumpay nito.

Ang sistema ay ibabatay sa mga datos at patakaran ng  Food Insecurity and Vulnerability Information and Mapping Systems.

Ang FIVIMS ay isang sistema na nagsasaliksik sa mga impormasyon sa bawat sektor ng populasyon na nagugutom, lugar, dahilan ng pagkagutom at mga paraan kung paano ito masosolusyunan at matiyak na ang mga pamilyang apektado ay mabibigyan ng wastong nutrisyon. Beth Aragon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply