Mga puna sa 4PS program

MAY reserbasyon ang Rapidfire sa konsepto ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4PS) ni PNoy.

Ang “cash assistance” program na inilunsad ng Pangulo bilang pansamantalang lunas ng napakaraming mahihirap sa bansa ay pangako ni PNoy noong nangangampanya pa siya.

Sa Ilalim ng programa, ang pamilyang benepisyaryo ay pagkakalooban ng ayudang P500 kada buwan para sa pangkalusugan at nutrisyunal na pangangailangan ng mga bata.

Tatanggap din ang benepis-yaryo ng karagdagang P3,000 kada buwan sa loob ng sampung buwan para sa pang-edukasyong pangangailangan ng bawat “eligible” child.

Sa pasimula, target ng 4PS ang isang milyong mahihirap sa buong kapuluan.  Popondohan ang programa ng P29 Billion na huhu-gutin sa P34 Bilyong badyet ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nakangisi na naman sina Gob, Cong at Meyor.  Dahil sa hindi lahat ng mahihirap ay mapagbibigyan ng sabay-sabay, gagawing by batches ang pagkakaloob ng ayuda. At dito hihirit ang mga pulitiko na sila na ang bahalang mag-implementa ng programa sa kani-kanilang lugar.

At siyempre pa, mga Bok, PATRONAGE ang magiging batayan nila sa paglilista ng mga benepisyaryo, na siguradong mga kakampi/kaalyado nila sa pulitika!

At tulad ng madalas nilang gawin sa mga pondong napapasakamay nila, puwede nilang IBULSA ang malaking bahagi ng perang ipag-kakaloob ng 4PS at katiting lang ang ipamamahagi nila.

Tiyak na hindi aangal ang tao  dahil utang na loob na nga nila kay Gob, Cong o Meyor yong mapili sila bilang benepisyaryo.

Narito ang isa pang problema:  Kung halos sa 4PS na lang ibubuhos ang badyet ng DSWD, saan naman huhugot ng pondo ang ahensiyang ito sa pagpapatupad ng ilan pang mahalagang tungkulin nito?

Tulad ng pag-aaruga ng mga abandonadong bata, may kum-plikto sa batas, kababaihang inabuso o biktima ng human trafficking, at pagkakaloob ng hospital at burial assistance sa nangangailangan? Ngunit ito ang pinaka-sensibol na tanong: Hindi kaya mas pino-promote ng 4PS ang kulturang katamaran sa mga mahihirap? Baka kasi hindi na maobligang magbanat ng buto ang mga benepisyaryo!

Hindi din kaya ito magkakaroon ng negatibong epekto ang 4PS sa ating pananaw ukol sa pagsisikap at pagpupunyagi?

Ang sabi ng Intsik/Taoist philosopher na si Lao Tzu, “Give a man a fish and you feed him for a day.
Teach him how to fish and you feed him for a lifetime”.

Sana’y ayusin lang ni Gob, Cong o Meyor ang 4PS dahil napakadakila ng layunin ni PNoy nang ilunsad ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply