Mga rebelde pinasusuko ni Pacman

Magsisuko na kayo!

Ito ang panawagan kahapon ni Sarangani Congressman Emmanuel “Manny” Pacquiao sa mga nalalabing rebeldeng New People’s Army  sa bansa para tahakin ang tuwid na landas na inaalok ni Pangulong Benigno Aquino III at wakasan na ang kanilang pakikipaglaban sa gobyerno.

Ginawa ni Pacman ang panawagan kasunod ng pagsuko sa kanya ng lima pang miyembro ng mga rebeldeng NPA sa bayan ng Alabel, Sarangani.

Nakilala ang rebel surrenderees na sina Mamerto Bartulaba, 50; Felbert Ontic, 28; Bernard Matugo, 41; Pedring Mapuno, 38 at Benson Labilon, 30 ay iprinisinta ni Army’s 73rd Infantry Battalion Commander Lt.Col. Eduardo de Leon kay Pacman.

Nauna nang sumuko kay Pacman ang sampung NPA red fighters sa nasabing lalawigan may ilang buwan na ang nakalilipas.

Ang naturang mga rebelde ay pawang miyembro ng Platoon Mazda, Guerilla Front 71 ay sumurender sa tropa ng Bravo Company ng 73rd IB kamakalawa sa bayan ng Glan, Sarangani.

Isinurender rin ng mga ito ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng isang garand rifle, isang Cal M1 carbine, isang Springfield, isang hand grenade at dalawang cal.38 pistol.

Si Pacman, isang Army reservist sa ranggong Chief Senior Master Sergeant ng Philippine Army ay nakikiisa sa panawagan ng Armed Forces of the Philippine at ng pamahalaan na wakasan na ang kanilang armadong pakikibaka. VERLIN RUIZ

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply