Mga taga-HK lalong nagalit

Sa halip na humupa ang galit, lalo umanong “uminit ang ulo” ng mga taga Hong Kong makaraang “maliitin” ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang pagtingin sa isang opisyal ng pamahalaan ng Hongkong.

Ayon kay Dolores Balladares-Pelaes, chairwoman ng 6,000 miyembro ng United Filipino Union sa Hong Kong, itinuring ni PNOY na hindi niya  ka-level  ang pinuno ng Hongkong at hindi tama sa protocol ang pagtawag sa telepono ni Donald Tsang sa kanya dahil ito ay “gobernador” lang at “probinsiya” lang ng Tsina ang Hongkong.

Ani Dolores ang Hongkong ay Special Autonomous Region o halos isang “independent state” ng bansang  Tsina.

Hindi umano sinagot ni PNOY ang tawag ni Tsang sa kasagsagan ng hostage crisis at sinabi pa na maging ang sulat nito ay hindi rin sinagot ng Pangulo dahil umano sa pagkainsulto.

Lumilitaw aniya na maliit ang tingin ni PNOY sa mga taga Hong Kong kaya masama ang loob ng mga ito, sa kabila nang ang mga OFW sa Hong Kong ay nagbibigay ng makaling kontribusyon sa ekonomiya ng Pilipinas.

Inihayag pa ni Dolores na hindi rin nagustuhan ng mga taga-HK ang pagdepensa ng Pangulo sa ilang miyembro ng gabinete at mga opisyal ng Philippine National Police na pumalpak sa hostage drama.

Sinabi ni Dolores na inaasahan ang paghupa ng galit ng mga taga-HK sa pagsibak ng Pangulo sa mga opisyal ng gobyerno na natukoy na nagkamali sa pagresolba sa naganap na “hostage crisis”.

Ikinumpara pa ni Dolores na ang pagsibak ni PNOY kay Frisco Nilo ng PAGASA ay ura-urada na wala namang kapalpakan na ginawa pero ang mga tauhan ng PNP at ilang miyembro ng gabinete na hindi gumawa ng mabilis at matalinong aksiyon sa hostage drama ay nananatili pa sa puwesto hanggang ngayon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply