Mindanao magdidilim ng siyam oras

NGAYONG  araw na ito nakatakdang ipatupad ng National Grid Corporation of the Philippines ang siyam na oras na  blackout sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.

Sa ipinalabas na advisory ni NGCP Mindanao system operation head Maxim Adiong, ipinaliwanag nito na bumagsak ang Maramag-Ki-bawa transmission sa Bukidnon, kaya mawawalan ng supply ng kuryente sa mga lugar na sakop ng  South Cotabato Electric Cooperative 1 at 2; Davao del Sur Electric Cooperative; Sultan Kudarat Electric Cooperative; Maguindanao Electric Cooperative at ang Cotabato Light and Power Co. Incorporated.

Dahil dito ay inihayag  ng tagapagsalita ng Cotabato Electric Cooperative (Cotelco)  Felix Canja na sasamantalahin din nila ang temporary shutdown para ayusin ang nasirang Maramag-Bunawan transmission line.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply