Misis na ‘di kuntento sa ‘dyutay’ na mister tumikim ng lover, arestado

KALIBO, Aklan – “Bakit di ko siya ipagpapalit e maliit ang ari niya!”

Ganito umano ang katwiran ng 21 anyos na ginang matapos arestuhin dahil sa reklamong pangangaliwa ng kanyang mister.

Nabatid na nang magharap sa pulisya ang mag-asawa, galit pang sinumbatan ng ginang ang pinendehong mister sa halip na ihingi ng tawad ang kanyang ginawa.

Ayon pa sa babae, hindi na siya masaya kapag nagse-sex sila ng kanyang mister dahil bukod sa maliit nitong ari ay wala na rin daw itong masyadong oras sa kanya dahil abala sa pamamasada ng tricycle.

Ayon sa nakalap na ulat sa pulisya, dakong alas 12:00 ng hatinggabi ay galit na nagpunta sa himpilan ng pulisya ang hindi pinangalanang mister upang ireklamo ang misis na nahuli umano niyang may ibang katalik.
Nabatid na nasundan ni mister si misis at ang kalaguyo nito nang pumasok sa hotel.

Dati na umanong minamanmanan ng mister ang kanyang misis dahil kinutuban ito nang biglang manlamig sa
kanya ang maybahay bukod pa sa bulgarang pagrereklamo nito sa kanyang maliit na ari.

Pinagtatalunan pa ng mag-asawa kung kaninong kustodiya mapupunta ang kanilang nag-iisang anak.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply