Mister binoga sa harapan ng mag-ina

HINDI batid ng isang ginang kung ano ang motibo ng mga hindi kilalang lalaki nang pasukin ang kanilang tahanan at barilin sa ulo ang kanyang mister habang naghahapunan, sa Binangonan Rizal.

Kinilala ni Sr. Supt.Manuel Cesar Prieto, ang namatay na si Josefino Hernandez, ng Wilsire st., Sunvalley 2 Subd. Brgy. Palangoy, sa nabanggit na bayan.

Lumalabas sa imbestigasiyon, dakong alas-7:30 kamakalawa ng gabi, kumakain ang biktima kasama ang mag-ina nito nang nang biglang pumasok ang mga suspek na may dalang baril.

Nang makita ni Nenita Hernandez, asawa ng biktima, na tinutukan ng .9mm na baril sa ulo ang kanyang asawa ay aawat sana ito ngunit huli dahil sa pumutok na ang nasabing sandata na ikinatumba ng biktima.

Matapos ang pamamaril ay kaagad na tumakas ang mga suspek at ang misis ng biktima ay tinangka pang dalhin sa pagamutan ang kanyang mister subalit ‘di pa naaalis sa bahay ay nalagutan na ito ng hininga. Jun Ferrer

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply