Mister itinumba, mag-ina, biyenan sinunog

ZAMBOANGA CITY-Palaisipan sa mga tauhan ng Philippine National Police kung sino ang bumaril at nakapatay sa isang lalaki na natagpuang walang buhay ilang metro mula sa nasunog nilang bahay na ikinasawi ng asawa niya, dalawang anak at biyenan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang  bi-naril na si Nurwin Vasquez ng Barangay Campo Islam ng nabanggit na lungsod.

Kinilala naman ang apat na namatay sa sunog na ang asawa ni Vasquez na si Rosalyn Laja at mga anak na sina Jeian, 2 anyos at Ju-madir, 1 taon at ang biyenan na si Saddan, 48 anyos.

Sinasabi sa pagsisiyasat na bago naganap ang sunog ay narinig ng mga kapitbahay ang malakas na pagsabog sa bahay ng pamilya Vasquez na posibleng nagmula sa LPG tank. May posibilidad umano na sinadya ni Vas-quez ang sunog matapos na marinig ng mga kapitbahay na binantaan nito ang asawa na sisilaban ang bahay.

Ilang metro naman ang layo sa bahay, natagpuan ang katawan ni Vasquez na may mga tama ng bala sa likod. Verlin Cruz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply