MMDA consultant sinibak!

TINANGGAL  na  ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang kanyang kontrobersiyal na consultant na si Roberto “Bobby” Esquivel bunga ng umano’y pakikipagbangayan sa isa pang consultant na muntik ng humantong sa pagbabarilan.

Sa isang pahinang memorandum na nilagdaan ni Tolentino, isinailalim din niya sa 15-araw na suspensiyon si Ret. Col. Eduardo Bayangos na nakatalaga rin sa tanggapan ni Esquivel nang mangyari ang umano’y muntik ng pagbabarilan.

Ibinatay ni Tolentino ang inilabas na kautusan sa isinumiteng investigation report ni Atty. Rochelle Macapili, chief ng Legal Division ng MMDA na siyang nanguna sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa naturang insidente.

Bukod sa isyu ng muntik ng pagbabarilan, iniutos din ni Tolentino sa Legal Division ang imbestigasyon sa umano’y naganap na lagayan na nagresulta sa pagpapalabas ng 15-colorum na bus na una ng ini-impound ng  MMDA nang isagawa ang sunod-sunod na operasyon, katulong ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Hindi na naitago ni Tolentino ang pagka-irita sa sunod-sunod na kontrobersiyang nilikha ng itinalaga niyang consultant kaya’t ipinasiya ng tapusin ang termino nito sa panunungkulan. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply