MMDA Environmental enforcers pinaulanan ng bato

PINAULANAN ng bote ang mga environmental enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) habang nanghuhuli ng mga pasaway na nagkakalat ng basura sa lansangan, sa kahabaan ng EDSA, sa Pasay City.

Kinumpirma ni MMDA General Manager Robert Nacianceno ang nangyaring insidente  na isa aniyang hindi makatuwirang aksiyon ng mga taong walang pagpapahalaga sa kalinisan at kaayusan sa Kamaynilaan.

Sinabi ni Nacianceno na suportado ng iba’t ibang pribadong sektor at maraming mamamayan ang  programa kaya kahit may ilang naiinis at nananakit sa kanilang mga environmental enforcers, hindi aniya ito hadlang upang itigil nila ang operasyon.

Bagama’t wala silang intensiyon na habulin at ipahuli pa ang mga nambato,  tiniyak niya na hindi naman laging makakalusot ang mga nananakit sa kanilang tauhan lalo na’t nasa likod nila ang suporta ng mga mamamayan at kapulisan.

Nilinaw naman ni Atty Yves Gonzales, tagapagsalita ni MMDA Chairman Francis Tolentino, na hindi nakatutok sa panghuhuli at pagpapataw ng multa ang kanilang programa kundi layunin nilang matuto ang taumbayan ng tamang disiplina sa kalinisan ng kapaligiran.

Bilang katunayan, dahan-dahan nang natututo ang mamamayan, lalo na ang mga pedestrians sa tamang kalinisan dahil hindi na lumobo nang husto ang bilang ng mga nahuhuli ng kanilang environmental enforcers sa mga lansangan.Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply