Mocha Uson, ambassadress ng breast cancer awareness

KAMAKAILAN lang si Mocha Uson ay nahirang bilang spokesperson o ambassadress ng Philippine Foundation for Breast Care, Inc. ( PFBCI) na naka-base sa East Ave., Medical Center, Out- Patient Dept., Ground Floor, East Ave., Quezon City.

Ito ay sa pangungulo ng mga opisyales na sina Lourdes Cortez, Pres.; Elisha Martinez, Vice-Pres.; Evette Demaisip, Sec.; Elizabeth Pineda, Treasurer; and Pearl Imperial, P.R.O.

Sa  Oct. 12, 2:00 p.m. ay magkakaroon ng “Kasuso Love Affair,” isang pagtitipon at selebrasyon ng PFBCI na isasagawa sa   2nd floor, Conference Room ng East Ave., Medical Center  para sa mga pasyente, kaibigan, at mga supporters ng nasabing foundation na ang hangarin ay maipapalaganap ang nasabing advocacy.

Sa nasabing pagpupulong ay hindi raw mangingimi si Mocha Uson na ipapakita o  ide-demonstrate ang isa sa mga paraan kung papaano made-detect na ang isang babae ay may sintomas na ng breast cancer o di kaya sa iba pang breast-related disease. Ito ay sa paraan ng  paghipo niya mismo sa kanyang  suso para maitawid ang tamang technique sa mga hindi pa nakakaalam kung papaano  ito gagawin.

Mukha ngang hindi lang  destined na maging sex guru ng kanyang henerasyon itong si Mocha Uson, front liner ng top sing-and-dance girly group ng bansa, kundi maging strong advocate pa rin siya sa sector ng breast cancer awareness campaign sa bansa.

Ironic nga raw dahil ang ina ni Mocha Uson na isang doktora ay nagkasakit pa ng breast cancer, stage 3.

“I was a bit shocked over my mom’s getting the Big C, but on second thought breast cancer strikes anybody including even the males. May mom’s situation made me aware of   the preventive as well as therapeutic measures of the disease,” sabi pa ng Engliserang Mocha. Lolo Buenaobra

2 Comments

  1. Pingback: Latest Mocha News | Coffee Maker 4 Cup

  2. Maria Lourdes V. Cortez

    October 4, 2010 at 3:21 pm

    Ito ay pagpapahayag na walang naging usapan na namagitan kay Ms. Mocha Uson at ang Philippine Foundation for Breast Care, Inc. na nahirang siya bilang isang spokesperson.

    Sabi nyo celebrity siya, pero hindi po namin siya kilala.

    Salamat sa pagbigay ng puwang ang pahayag na ito para maging malinaw ang usapang ito para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>