Model ng Survivor castaway ipinalit ni Richard kay Jewel Mische?

DI NGA BA sa showbiz lang nalalaman na nagkaroon ng ugnayan ang dalawang celebrities kapag nag-break na sila.

Ganyan ang nangyari sa pagmamahalan nina Richard Gutierrez at Jewel Mische na kung kailan naghiwalay saka lang nalaman ng lahat na naging item sila.

Although marami na rin taga-entertainment press ang nakakaalam ng pagmamahalan ng dalawa ay hindi pa rin puwedeng sabihin na sila na nga dahil itinatanggi nila kapwa ang relasyon.

Sa pagbabalik ni Chard sa pagho-host ng Survivor Philippines Celebrity Edition saka lang inamin ng actor na naging sila nga ni Jewel pero ang sad news para kay Ms Mische ay nang sabihin din ni Chard na wala na sila ng dalaga.

Natsi-tsismis ngayon si Chard kay Solenn isa sa castaway “SP.” Hindi kaya ang naturang modelo ang naging dahilan ng break-up nina Chard at Jewel?

Nagtatanong lang po?

WALANG KINALAMAN SI RACHEL ALEJANDRO SA GULO NINA JESSA AT DINGDONG

Walang third party raw involved sa napipintong paghihiwalay nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado.

Ito ang mariing pinagdiinan ni Jessa at lalong wala raw kinalaman si Rachel Alejandro sa nangyayari sa kanilang mag-asawa.

Personal daw ang kanilang naging hidwaan at kasalukuyan inaayos para di na humantong sa hiwalayan alang-alang sa kanilang nag-iisang anak na babae.

Labas daw si Rachel sa isyu at wala raw katotohanan na hanggang ngayon ay pinagselosan niya ang anak ni Hajji Alejandro naging girlfriend ni Dingdong bago sila nagkahulihan ng loob ni Dingdong.

Nagtataka raw si Jessa bakit pilit na ipinapasok daw ang pangalan ni Rachel sa kanilang hidwaan ng mag-asawa samantalang wala naman daw siyang nadaramang pagseselos magmula nang magkaayos-ayos na sila.

************

Sa September 6 na magsisimula ang game show ni Edu Manzano sa GMA 7 na “Asar Talo, Pero Laging Panalo”

Si Bayani Agbayani ang magiging co-host ni Edu dahil ito ang isa sa ini-request ni Manzano makasama sa game show.

Kaya simula sa Lunes ay may daily show na si Bayani na siya naman nakasaad sa kontrata niyang nang lumipat at pumirma ng kontrata sa GMA 7.

Bukas na ang dry-run ng game show at siguradong nandoon si Bayani kaya mali ang naba-blind item na si Bayani ang nagka-problema sa dry run at papalitan.

*************

Dahil sa conflict of schedules maraming project ang tinanggihan ni Iza Calzado at isa na diyan ang movie ng Regal Films na pagbibidahan ni Marian Rivera na “Super Inday and The Magic Bibe” na intended sa 2010 Metro Manila Film Festival.

Siya sana ang lalabas na main villainess ni Marian at dumalo pa siya sa storycon ng naturang movie, Pero dahil sa biglang nagdatingan ang mga TV projects na hindi niya matanggihan. Kaya nagdesisyon na ayawan ang movie pagsasamahan nila ni Marian.

Bukod kasi sa pagko-co-host ng The Sweet Life ng QTV 11, Monday to Friday at 5:00 pm with Lucy Torres-Gomez na matagal na niyang pangarap magkaroon ng ganoon show ay may gagawin din siya sa GMA 7, ang “Beauty Queen” na ididirek ni Maryo J delos Reyes na magsisimula na ang taping dahil sa September na ito nakatakdang ilabas sa telebisyon na ipapalit sa Basahang Ginto.

May isa pang big offer kay Iza na gustong-gusto niyang gawin na hinahanapan ng oras para magawa.

Pinakawalan din ni Iza ang Indie Films na pagsasamahan sana nila ni Jacky Woo dahil sa hectic ng schedule ay milyones din ang nawala sa kanya sa naturang indie film na kung saan si Mercedez Cabral ang ipinalit sa kanya.

Anyway, ang mga makakasama ni Iza sa Beauty Queen ay sina Katrina Halili, Marvin Agustin, Fanny Serrano, Maggie Wilson, Carmin Martin at Elizabeth Oropeza. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply