Monopolyo sa pagmamanok ibinunyag

Ibinunyag ng mga maliliit na nag-aalaga ng manok sa bansa o backyard poultry raiser ang nagaganap na monopolyo o cartel sa kanilang hanay.

Ayon kay Eddie Alambra ng Central Luzon, lantarang nilalabag ng tinaguriang “Big 3” sa pagmamanok ang kautusan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na tigilan na ang monopolyo sa alin mang negosyo sa bansa at bigyan ng pagkakataon na mabuhay ang maliliit na mamumuhunan at magsasaka.

Umaapela ang maliliit na magmamanok sa bansa sa gobyerno partikular kay Pangulong Aquino at Department of Agriculture na tingnan ang nagaganap na kartel sa pagmamanok at magtakda ng price ceiling.

Sinabi ni Alambra na ang Big 3 sa pagmamanok ang nagdidikta ng presyo ng live weight sa merkado kung kaya unti-unting namamatay at nababaon sa utang ang maliliit na nag-aalaga ng hayop.

Aniya, nakapagtataka na hindi naman gumagalaw ang presyo ng manok sa mga palengke o pamilihang bayan pero ang presyo ng live weight sa maliliit na poultry farm ay bagsak na bagsak.

Sa ngayon, umaabot lang sa halagang P60 ang bawat kilo ng live weight sa maliliit na poultry farm habang sa mga pamilihan bayan ay nasa P120 to P130 ang per kilo ng manok. Kyle Gatus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply