Monorail, windmill, PC tablet

PUERTO PRINCESA CITY—Kumpiyansa si Sec. Mario Montejo ng Department of Science and Technology (DOST) na gagawin nitong makabuluhan ang susunod na anim na taon sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa mga proyektong pangteknolohiya ng ahensiya.

Sa kaniyang mensahe sa ginanap na 2010 South Luzon Cluster Science and Technology (S&T) Fair dito, na binasa ni DOST  Assistant Secretary (Asec) Ma. Lourdes P. Orijola, magiging kapaki-pakinabang sa mga tao ang ating ekonomiya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ‘techno entrepreneur mindset.”

“First, we will concentrate on the needs of the people.  Naniniwala ako na ang mga proyekto ng DOST ay dapat maging sagot sa mga problema at kailangan ng mga tao.  I cannot stress enough the importance of aligning our programs to the actual needs rather than coming up with projects based on what we think they want,” ayon sa mensahe.

Ikalawa, ang pagpokus sa Filipinnovation bilang konsepto sa pag-develop ng mga produkto.

Naniniwala si Montejo, bilang isang entrepreneur na ang Filipinnovation ay isang tiyak na daan pasulong  sa pamamagitan ng angking talino ng ating mga mananaliksik at siyentipiko.

“Their ideas will be transformed to locally developed products, services and processes.”

Ikatlo, magiging bukas ang kolaborasyon sa mismong sistema ng DOST at sa mga partners nito.
Dito, makatitiyak sa wastong  pagresolba sa mga problema ng bansa.  “We have started using this principle in our projects under the public-private partnership model.”

Tinukoy din sa naturang mensahe ang ilan sa mga partikular na kapana-panabik na programa sa ilalim ng DOST na dapatr abangan ng publiko ilang buwan mula ngayon sa pakikipagtulungan ng partners sa pribadong sektor at iba pang ahensiya ng pamahalaan:

Monorail. Ito ay transportasyon na katumbas ng Light Rail Transit (LRT)/Metro Rail Transit (MRT).

Malaki ang maitutulong nito na mabawasan ang lumalalang problema sa daloy ng trapiko maging ng polusyon sa bansa.  Makatitipid aniya ang bansa dahil ang halaga nito ay nasa ikalimang (1/5) lamang ng isang imported train.

Windmill. Ang DOST ay nakapag-develop na ng lokal na bersyon ng windmill na halos kalahati lamang ang halaga nito kesa sa mga windmill na matatagpuan sa Bangui, Ilokos Norte.  “It will make wind farms a more viable investment for the private sector.

PC Tablet. Nakatakda na rin na i-develop ng DOST ang PC tablet na magiging kahalili ng printed books o mga inilimbag na libro na ginagamit ng Department of Education (DepEd).

Sa halagang hindi tataas sa P3,000, tiniyak ng ahensiya na mapahuhusay pa ang ‘learning experience’ ng mga estudyante at ang kakayahan ng mga guro na makapagturo.

“We also aim to produce ship-to-shore cranes that will be beneficial to the local logistics industry,” dagdag pa ni Montejo.

Bilang karagdagan sa mga nabanggit na teknolohiya, sinisimulan na rin ng DOST na i-upgrade ang flood monitoring at early warning systems kabilang dito ang mga ilog na sakop ng Marikina at Pasig na nagdulot ng labis na perwisyo noong 2009 ng bagyong Ondoy.  “We aim to roll this out to all the major river systems in the country.”

“FILIPINNOVATION: The Way Forward”.  Ito ang tema ng pagdiriwang ng 2010 National Science and Technology Week (NSTW).  Layunin nito na kilalanin ang S&T bilang isang ‘strategic tool’ sa pagharap sa ibat-ibang hamon na kinakaharap ng bansa.

Ang Southern Luzon Cluster S&T Fair ay binubuo ng DOST-NCR, DOST-region 3,  DOST-CALABARZON, DOST-MIMAROPA AT DOST-Region V.

Idinaos dito sa Puerto Princesa City, ang tinaguriang ‘A City in a Forest’, malinis, malayo sa polusyon at simple ang pamumuhay ng mga residente.  Malayo din ang lungsod sa mga natural na kalamidad.

Pinangunahan ito ni Mayor Edward Hagedorn at DOST-MIMAROPA Regional Director Dr. Josefina Abilay.

INA NG GULF AIR BABY DAPAT BANG KONDENAHIN?

DAPAT bang kondenahin o tulungan ang Pilipina na sinabing nagluwal sa sanggol na natagpuan sa basurahan  ng eroplano ng Gulf Air na nanggaling sa Bahrain.

Ito ang katanungan ni Buhay Partylist Rep. Erwin Tieng dahil hindi naman aniya gagawin ng isang ina ang basta na lamang pagtatapon ng anak ng walang mabigat na dahilan.

“If we locate the mother, we should also find out why she did it? Was she raped by her Arab employer or was the baby the result of an illicit relationship with another OFW who is not her husband?” ayon kay Tieng.

Aniya, mas madaling mag-kondena sa isang tao kapag hindi pa malinaw kung ano talaga ang tunay na dahilan ng isang napakahalagang desisyon na maaaring sumira ng kaniyang buhay o magdulot ng kahihiyan sa kaniyang pamilya.

Dahil dito, hinikayat ni Tieng ang pamahalaan at ang simbahan na pagtuunan ng pansin ang seryosong ibinubunga ng patuloy na pagtatrabaho ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa sa gitna ng lumalaking bilang ng mga inilalalaglag o inaaabandonang sanggol sa mga eroplano.

“It is an easy and very simplistic act to condemn the mother of the abandoned “Gulf Air baby.’ I too condemn the action of the mother, but we should also look into the unfortunate realities behind this problem because the baby’s mother may just be a victim of the country’s unfortunate state of affairs,” paliwanag pa ng kongresista.

Ang matinding hangarin ni Tieng na matulungan ang nasabing ina na ngayon ay natuntun na ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation sa Apayao ay kaniyang inilabas sa gitna ng lumalawak na pagkondena sa ina ni Baby George Francis na nagpasimula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Ipinaliwanag pa ni Tieng na “nothing can justify the mother’s act of abandoning the baby, but it is the duty of the government to also look into the harsh realities abroad that drive mothers to abandon their babies.

“It is time for us to evaluate whether the growing number of raped and maltreated OFWs; aborted and abandoned babies; broken families; failed marriages; and children getting into drugs or early pregnancies for lack of parental presence and advice are worth the billions of dollars we earn from the estimated 10 million OFWs working abroad?”

Mahalaga aniyang matulungan ng gobyerno ang mga OFW na ginagahasa at minamaltrato sa ibang bansa sa pamamagitan ng counselling at tulong pang-emosyonal upang makaiwas sa pagkakasangkot sa mga bawal na pakikipagrelasyon gayundin ang pagsasa-ilalim sa counselling sa asawa at mga anak ng OFWs na nagkaroon ng kaso sa ibang bansa.

“Most of all, the government and all concerned sectors should work hard to provide better employment opportunities for many Filipinos so they will no longer go abroad by the millions and get exposed to situations that will drive them to commit suicides and abort or abandon babies.”

Makabubuti aniya na maagapan ng gobyerno ang pamilya ng mga OFW upang maiwasan ang pagkawasak sa tuwing nagkakaroon o nasasangkot sa bawal na relasyon ang isa dahil sa pagkawala ng asawa bunga ng pagtatrabaho sa ibang bansa.

Agad ding gumalaw sina Malabon Re. Josephine Lacson-Noel at Bagong Henerasyon partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy at nagpanukala na ikulong ang mga ina na magtatapon ng kanilang anak.

Nanawagan din si Noel sa mga kinauukulang ahensya na paigtingin pa ang kampanya sa pagtuturo sa mga nanay kung paano mahalin ang kanilang mga anak at ipaunawa na ang pagtatapon o pag-aabandona sa kanilang sanggol ay hindi solusyon sa kinatatakutang problema na maaaaring idulot nito.

Ilang araw matapos ang pagkakatuklas sa sanggol sa isang trash bin, natukoy na ang ina ni Baby George Francis ay nakaupo sa seat no. 40-D ng GF-154 bagama’t hindi pinangalanan ang ina dahil hanggang ngayon ay palaisipan kung bakit walang dugo at ingay na narinig sa loob ng eroplano bukod sa ilang bagid ng dugo sa upuan.

Kamakalawa ay sinadya na ng mga tauhan ng NBI-Cagayan Valley Regional Office na naka-base sa Tuguegarao City ang Barangay Annipan, Flora, Apayao upang bitbitin ang tukoy ng ina ni Baby George Francis.

Ang naturang ina ay isa umanong OFW mula sa Qatar, may asawa at mayroon umanong tatlong anak.  Ito ay umalis ng Pilipinas noong Hulyo 9, 2009 base na rin sa impormasyon ng NBI na nakuha mula sa Philippine NationalPolice Aviation Security Group.

Pinagbasehan ng NBI ang natuntong dugo sa Seat No. 40D na sinasabing inupuan ng ginang na ngayon ay nasa Philippine General Hospital para sumailalim sa DNA test.  Meloi Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply