Motor sumalpok sa poste, 2 sakay patay

MULING binuwisan ng buhay ang kalsada kung saan nasawi ang isang biktima ng hit and run nang iwasan ng dalawang sakay ng motorsiklo ang kandilang nakatirik doon at sumalpok sila sa poste ng Manila Electric Company (Meralco) sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Nasawi sa mismong lugar ng insidente si Roscel Maghukot habang ang hindi pa nakikilalang kasama nito ay nalagutan ng hininga habang isinusugod sa Tondo General Medical Center.

Ayon sa nakalap na impormasyon sa Traffic Enforcement Group (TEG) ng Navotas City police, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa Honorio Lopez St., San Rafael Village ng nasabing lungsod.

Sa salaysay ng mga saksi, tinatahak ng mga biktima ang kahabaan ng Honorio Lopez St. sakay ng pulang motorsiklo nang madaanan nila ang bahagi kung saan may nakatirik na kandila para sa namatay na biktima ng hit and run.

Sa pagtatangkang iwasan ang kandila ay sumalpok sa poste ang mga biktima. RA Marquez/Boy San Buenaventura/Merly Iral

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply