MRT diskaril, commuters stranded

DAAN-DAANG pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) ang na-stranded kahapon ng umaga matapos na makaranas ng kakulangan sa boltahe ang linya ng elektrisidad   sa Quezon City.

Ayon kay Department of Transportation and Communication (DOTC) Undersecretary Dante Velasco  batay aniya sa insiyal na pagsisiyasat, nagkaroon ng problema ang ginagamit na high-speed circuit breaker ng MRT-3 station sa Kamuning  kaya naapektuhan ang operasyon ng biyahe sa North Avenue hanggang Santolan area.

Dakong 7:28 ng umaga nang bumagal ang takbo ng MRT train hanbang binabaybay ang kahabaan ng EDSA .

Nagbalik sa normal ang operasyon sa MRT ganap na 8:08 ng umaga habang inaalam pa rin ng MRT Management ang naging sanhi ng pangyayari. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply