Mukha ng seaman hiniwa-hiwa ng insekyur na nobya

HINIWA-HIWA ng blade ng dating Overseas Filipino Worker ang mukha ng kanyang boyfriend na seaman makaraang maak-tuhan niya na ito may mga ka-table na magagandang Guest Relations Officers sa isang night club sa Que-zon City kamakalawa ng gabi.

Nakapiit sa himpilan ng Kamuning Police Station 10 ang suspek na si Marilou Giga Flores, 23 anyos, dalaga, naninirahan sa Unit 5211 San Venecia Garden, Novali-ches, Quezon City.

Inoobserbahan naman sa Capitol Medical Center ang biktimang si Ador Noche Ver-gara, 47 anyos, isang seaman at ka-live-in ng suspek.

Sa pahayag ng suspek, sinabi nito na sakay siya ng taxi nang madaanan ang sasakyan ng kinakasama na nakaparada sa tapat ng Stardust KTV bar sa Quezon Ave., Brgy. Paligsahan.

Kinutuban umano siya kaya sinundan niya sa loob ng club ang kinakasama hanggang sa matunton niya ito na nakikipagharutan sa ka-table na tatlong GRO.

Dala ng ngitngit, kinuha ng suspek ang labaha na pang-ahit umano niya ng kilay at winasiwas ng ilang ulit sa mukha ng biktima.

Ayon pa sa salaysay ng suspek, ilang ulit niyang tina-wagan sa cellphone at pina-dalhan ng text message ang biktima ngunit hindi ito nag-reply.

Nadagdagan aniya ang galit niya nang makita niya itong nakikipagharutan sa mga GRO.   Alex Ching

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply