Multa, bawi-lisensiya sa magmamaneho nang lasing

PAGPAPAWALANG-BISA sa lisensiya at multang P7,000 ang parusang igagawad sa driver na mapatutunayang nagmamaneho nang lasing.

Ito ang nakasaad sa House Bill No. 382 na inihain nina Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo at Camarines Sur Rep. Diosdado Arroyo.
Nais ng dating pangulo na aprubahan ng Kongreso ang panukala na naglalayong ideklarang kriminal ang driver na nasa ilalim ng impluwensiya ng alak.

Sa isang pag-aaral ng World Health Organization, sinabi ni Arroyo na mas madalas ang aksidente sa kalsada habang nagmamaneho ang driver na nasa ilalim ng impluwensiya ng alkohol o alak.

Binanggit ni Arroyo ang statistika na nagpapakita na nagkaroon ng karagdagang 6.2 porsiyento noong 2009 ang aksidente sa buong bansa na may kaugnayan sa alak at nagresuta sa pagkamatay, pagkasugat at pagkasira ng mga kagamitan.

Bagamat may kasalukuyang umiiral na batas, ang Republic Act 4136 o ang “Land Transportation nad Traffic Code,” sinabi ni Arroyo na hindi pa rin malinaw o sapat para malamang kasalanan ang pagmamaneho ng nasa ilalim ng impluwesiya ng alak.  Beth Aragon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply