Murder case laban kay Salapuddin pinalakas pa

NAGHARAP kahapon ang prosecution sa Batasan bombing case ng bomb expert para mapalakas lalo ang kaso laban sa mga suspek kabilang si dating House of Representative deputy speaker Gerry Salappudin.

Sinabi ni Senior State Prosecutor Peter Ong na nakatanggap umano siya ng ulat na si Salappudin ay namataan umano sa Basilan nitong mga nakalipas na buwan matapos maipalabas ang warrant of arrest dito.

Nagpalabas si Quezon City Regional Trial Court Branch 83 Judge Ralph Lee ng warrant of arrest laban kay Salappudin nitong nakalipas na Agosto 13, 2010 at kasunod nito ay nagpalabas ng hold-departure order laban sa dating mambabatas matapos mabigo ang mga pulis na maaresto ito.

Sa pagdinig kahapon nagpresinta ang prosecution kahapon ng mga ebidensya upang ipakita na ang umano’y hinihinalang suspek na si Adham KUsain  ay naghahanda ng bomba bilangback up plan sa umano’y paunang pagtatangka sa buhay ni Basilan Rep. Wahab Akbar.

Nagtestify sa korte ang dating Manila Police District –Explossives and Ordnance Disposal team bomb technician, Insp. Noel Sublay ay nagsabi na nitong nakalipas na Nobyembre 20,2007 siya at ang miembro ng kanya team ay nakarekober umano ng improvised explosive device sa No. 2065 D-6 Leveriza St. Malate , Manila.

“The house where the bomb was recovered was the same addresses listed in the police clearance, National Bureau of Investigation clearance and barangay clearance of suspect Adham Kusain,” ayon kay  Ong.

Nagtestify din si Insp. Sublay bilang bahagi ng team na nag-imbestiga sa \naganap na pagsabog sa Batasan.

Sinabi ni Ong na ang bomba na natagpuan ay kapareho umano ng sumabog sa Batasan complex nitong nakalipas na Nobyembre 12,2007 na ikinasawi  ni dating Rep. Akbar at ikinasugat ng maraming iba pa. Santi Celario

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply