MWSS pinabubuwag ng isang kongresista

MATAPOS malantad ang kaliwa’t kanang anomalya sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System(MWSS) hiniling ng isang neophyte solon na buwagin na ang regulatory  office dito  matapos mabigong maprotektahan ang mga konsyumer sa Metro Manila sa hindi makatarungang pagtataas ng singil.

Binigyang diin ni Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy na walang silbi ang MWSS-RO dahil hinayaan nito na makapagtaas ng singil ng halos 700 beses ang laki sa Metro Manila at kalapit lalawigan gaya ng Rizal, Bulacan at Cavite sa loob lamang ng 10 taon.

Ipinaliwanag ni Herrera-Dy na ang MWSS-RO ay nilikha sa isang concession agreement sa pagitan ng MWSS at ng dalawang private water concessionaires – ang Manila Water Company Inc. at ang Maynilad Water Services Inc.

Pangunahing gampanin ng MWSS-RO ay ang determinahin ang rasonableng singil sa tubig na ipatutupad ng dalawang pribadong kompanya.

Sa halip ay iminungkahi ni Herrera-Dy na likhain ang Water Regulatory Commission upang siyang gumanap sa gampanin ng MWSS-RO.

“It’s present set-up is a hindrance to the MWSS-Regulatory Office to achieve its mandate since its independence is compromised by the fact that its operating budget and also that of the MWSS Corporate Office, come from Manila Water and Maynilad,” ayon kay Herrera-Dy.

Batay sa talaan ng MWSS ang MWC ay nagpatupad ng singil mula P4.02 bawat cubic meters noong 1997 hanggang sa kasalukuyan na P30.34 per cubic meter samantalang ang Maynilad ay nagtaas ng singil mula sa dating P7.21 per cubic meter noong 1997 at ngayon ay nasa P33.32 na ito. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply