Nag-aabang ng sasakyan tinarakan

NAMATAY ang isang lalaki na nag-aabang ng masasakyan nang pagsasaksakin ng hindi pa nakilalang salarin, sa Navotas  City, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng dalawang saksak sa dibdib si Roberto Lacsa, 45, ng Carnation st., North Bay Boulevard South, ng nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi, nag-aabang ng masasakyan ang biktima na malapit sa kanilang tahanan nang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing inundayan nito nang sunud-sunod na saksak ang una.

Matapos ang insidente ay mabilis tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa nasabing pagamutan ngunit hindi na rin nabuhay. Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa naturang pamamaslang kay Lacsa. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply