Nag-iwan ng sanggol sa eroplano tukoy na

NADISKUBRE ng mga awtoridad ang bakas ng dugo sa seat number 40-D ng Gulf Air flight GF-154  sa paghahanap ng ebidensiya para matunton ang babaeng nag-abandona sa bagong silang na sanggol na napulot sa basurahan ng eroplano noong Linggo.

Ayon kay airport manager Jose Angel Honrado, nakuha na nila ang pangalan ng babaeng pinaghihinalaang ina ng sanggol na si George Francis, na nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development.

Hindi muna pinangalanan ang babae habang inaalam pa ang katayuan nito. Nakuha na rin ng mga imbestigador ang immigration disembarkation card ng babae pero kapansin-pansin na walang inilagay na address o tirahan sa naturang dokumento.

Aniya, ang seat number 40-D ay halos nasa dulo na ng eroplanong Airbus A330 na ginamit ng Gulf Air flight 154 na dumating sa Ninoy Aquino International Airport terminal 1 dakong alas-11:18 ng umaga mula sa Bahrain noong Linggo.

Base sa paliwanag ng airport medical unit, walang nakapansin sa iyak ang bata matapos itong mailuwal dahil lahat ng batang bagong silang ay hindi umiiyak hanggang sa paluin ang puwet para pumitlag ang mga kalamnan at tisyu ng katawan ng bata. Una rito, napansin ng dalawang Gulf Air security personnel na may mga dugo sa basurahan sa Bay 14 kung saan nakahimpil ang Gulf Air flight 154.

Namangha ang dalawa nang makita sa trash bin ang bagong silang na sanggol na nakakabit pa ang umbilical cord sa katawan.

Nang lumaon, nabatid na ang plastic na pinaglagyan ng basura ay nanggaling sa lavatory ng eroplano na hinakot ng aircraft cleaners makaraang magsagawa ng paglilinis doon.   Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply