Naghatid sa syota pinaslang

NASAWI ang isang binata na naghatid ng kanyang kasintahan makaraang barilin ng hindi nakikilalang lalaki, kahapon ng madalign araw, sa Malabon City.

Namatay sa Pagamutang Lungsod ng Malabon sanhi ng tama ng bala sa katawan si Wendell Conte, 24, ng Gozon Complex, Letre, Brgy. Tonsuya, ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:45 ng madaling araw, ihahatid ng biktima ang nobya na nakilala lamang sa alyas Lilibeth nang sumulpot ang salarin at binaril ang una.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa naturang pagamutan.

Hanggang sa kasalukuyan ay inaalam pa rin ng pulisya ang tunay na motibo ng pamamaslang. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply