Naglalambing na misis naputukan ng mister na pulis

BACOLOD CITY – Muntik mauwi sa trahedya ang paglalambingan ng mag-asawa nang pumutok ang baril ng mister na pulis at tamaan ang kanyang misis sa dibdib.

Huling iniulat na kritikal ang biktima na si Adelfa Arollado, 32, ng Lizares Extension, Brgy. 40, may bahay ni PO1 Celerino Arollado.

Sa ulat mula kay PO3 Jose Roy Militante, umuwi si PO1 Arollado bandang 10:45 ng umaga matapos mag-duty.

Sabay umanong nag-almusal ang mag-asawa at nagbibiruan pa.

Paakyat na umano ang mga ito sa ikalawang palapag ng kanilang bahay at habang nasa hagdanan ay naghaharutan.

Nauuna si PO1 Arollado kasunod ang misis nito na tila naglalambing at hinubad ang sinturon ng una na kinalalagyan ng baril nito.

Hinawakan na lamang ni PO1 Arollado ang .9mm pistol niya ngunit posible umanong lumuwag ang safety lock nito kaya pumutok na tumama sa dibdib ng misis.

Agad na isinugod ni Arollado sa pagamutan ang misis at kusang isinuko ang baril at sarili sa Police Station 6.

Pinatunayan ng kasambahay ng mag-asawa na aksidente ang nangyari. Alex Datu Cruz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply