Naglason dahil sa kahirapan

KAHIRAPAN ang sinasa-bing nagtulak sa isang binata upang wakasan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaning solution sa Navotas City.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa Tondo Medical Center (TMC) ay nakilalang si Anselmo Nilo, 28 anyos, residente ng # 201 Chungkang St., Brgy. Tanza ng nasabing lungsod.

Ayon sa nakalap na impormasyon sa Station Investigation Division (SID), dakong alas-11:00 ng tanghali nang matuklasan ng inang si Alma Nilo na bumubula ang bibig ng anak at nakahandusay sa lapag.

Nabatid na bago ito ay naging kapansin-pansin ang pagiging malungkot ng biktima at ang madalas na pagdaing ng kahirapan ng kanilang buhay. R A Marquez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply