Nagpakamatay sa Kuwait di Pinay

HINDI Pinay ang domestic helper na sinasabing tumalon sa gusali na naging mitsa ng kanyang kamata-yan kamakailan  sa Kuwait.
Ito ang paniniyak  kahapon ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait matapos lumabas ang balita sa isang pahayagan sa Kuwait na Pilipina ang kasambahay na tumalon mula sa ikalimang palapag ng gusali ng pag-aari ng kanyang amo.

Ayon sa report, nagtatrabaho ang biktima na nasa  edad na 49 sa distrito ng Fahaheel. Agad na nagresponde sa pinangyarihan ng insidente ang mga awtoridad at ang mga miyembro ng paramedics su-balit wala nang buhay ang biktima nang kanilang datnan.

Samantala, ang mga labi ng biktima ay nasa forensic experts na upang magsagawa ng malalimang pagsisiyasat sa pagkamatay nito.

Ayon sa opisyal ng embahada, nakipag-ugnayan na sila sa pulisya sa Fahaheel at sinasabing walang insidente ng pagtalon sa gusali nitong mga nakalipas na linggo. Tumawag din ang embahada sa CED subalit sinabing wala silang kaso ng pagpapatiwakal ng isang Pinay.

Nagtanong-tanong din sa  Fahaheel ang ilang kawani ng embahada ngunit hindi makumpirma ng komunidad ng mga Pinoy ang ulat. Amor Virata

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply