Nahirapan sa buhay naglason

NAGPASYANG wakasan ang sariling buhay ng isang binata sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaning solution nang hindi makayanan ang nararanasang kahirapan sa buhay, sa Navotas City.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa Tondo Medical Center ay nakilalang si Anselmo Nilo, 28-anyos, residente ng  201 Chungkang st., Brgy. Tanza, ng nasabing lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ni P03 Resty Castillo, ganap na 11:00 ng tanghali nang makita ang katawan ng biktima ng kanyang ina na si Alma Nilo na bumubula ang bibig habang nakahandusay sa lapag.

Kaagad na nanghingi ng tulong si Alma upang maisugod sa pagamutan ang anak ngunit dahil sa naging pinsala nito sa kanyang vital organ ay hindi na rin ito umabot ng buhay.

Nakuha ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng insidente ang isang botelya na pinaglagyan ng silver cleaning solution na ginamit ng biktima sa pagpapakamatay.

Nabatid pa sa mga awtoridad na bago ang insidente ay palaging nakikitang malungkot ang biktima kung saan ay idinadaing nito ang nararanasang kahirapan ng pamilya hanggang sa isakatuparan nito ang planong pagpapatiwakal.  Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply