Nakabobobo ang nagaganap sa pablik iskuls

HINDI nakapagtatakang marami ang biktima ng kabobohan sa ating mga pablik iskul, lalo na sa elementari.

Sa pagdaan-daan natin sa napakaraming pablik iskuls, lalo na ang mga elementari, sa ating mga paglalakbay, tila walang problema sa loob ng mga ito.

Parang oki ang lahat dahil nakikita natin sa umaga, tanghali at hapon na puno ng mga estudyante at sundo ang mga pintuan ng mga ito.
Oki ang lahat para sa pagpanday sa mga kabataan na magiging pag-asa ng repablik ni Juan.

Pero kung pumasok ka sa loob at makausap mo ang mga titser, lumalabas ang mga problemang hindi mo akalaing nagaganap.

Saka mo lang maiisip  na ang 13 milyong batang pinapanday nina sir at mam na kinabukasan ng bayan ay alanganin ang kalagayan.

oOo

Kauna-unahan na problema ang talagang kakulangan ng  pondo.

Imadyin, sa isang iskul, merong nagdoneyt ng mga kompyuter para maging haytek at well informed sana ang mga bata. Napakayaman ng impormasyon, luma at makabago, ang internet na koneksyon ng mga kompyuter.

Pero hindi ginagamit ang mga ito dahil nagmamahal ang bayaring kuryente ng mga guro at malaking gastos ang buwanang bayarin sa internet.

Yung iba, ginagamit ang mga kompyuter pero kung nagkadepekto ang mga ito, hindi na sila ipinagagawa dahil wala namang pambayad sa teknisyan.

Yung mga parents teachers association, hindi na ring gaanong gumagana dahil todo iwas ang mga magulang sa mga proyekto.

Sobrang magastos ang mga proyekto, reklamo nila, at todo atras ang nakararami sa kanila dahil sa kawalan nila  nang kakayanang magbigay ng tiyak na halaga para sa anomang proyekto.

Sobrang dami rin ng mga magulang na wala nang panahon para tulungan ang mga bata sa kanilang pag-aaral at asaynmen dahil kailangan nang kumayod ang lahat ng mga magulang sa hirap ng paghahanap ng pagkakitaan at baba ng kita.

Mabilis nang naglalaho  ang sitwasyon na sapat na ang kinikita ng haligi o ilaw ng tahanan para mabuhay, makapag-aral at manatiling malusog ang kahit walo o sampong  anak.

oOo

Saan kaya patutungo ang mga pablik iskul sa ganitong mga kalagayan?

Isa na tiyak ang kabobohan ng maraming bata.

Pag mangyari ito, mahirap umasang ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan.

Lalo’t katotohanan na hindi na sa iisa o dadalawa o iilang balikat nakaatang ang kasalukuyan o kinabukasan ng bansa.
Ano-ano kaya ang mga gagawin upang higit na nakararami sa taunang 13 milyong mag-aaral sa elementari ang magiging matalino at hindi bobo?

Hamon ito na malaki sa Department of Education na naatasang ihanda ang mga kabataan sa maayos na edukasyon magsimula sa murang edad ng mga ito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply