Nakalalapnos na init ng panahon ibinabala

NABABAHALA   ang  retiradong Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service (PAGASA) Climate change expert sa magiging kahihinatnan ngbansa dahil sa  global warming sanhi sa posibilidad na pagtaas ngayon ng temperatura hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Sa pagdalosa lingguhang forum sa Balitaan sa Tinapayan sa Dapitan, sinabi ni Lourdes Tibig,climate change expert,na may forecast base sa isinagawang pag-aaral sa global warning ng   Intergovernmental Panel on Climate Change,kungsaan tataas nang todo ang temperatura sa 6 degrees centigrade sa buong daigdig sa 2100.

Ayon kay Tibig,malaki din ang posibilidad na titindi pa sa  two  degrees centigrade ang temperature sa buong mundo pagsapit ng 2050.

Sinabi nito na dapat ay maghanda na ang gobyerno sa mga senaryong maaring idulot ng global warming,dahil nagsisimula ng maramdaman ang epekto nito sa buong mundo.

“Hindi ba ninyo napapansin ang init na nararamdaman ng mga balat natin ngayon,habang tumataas din ang temperature ng tubig dagat,mas maraming malalakas na bagyo ang mamumuo,dahil ang Pilipinas ay malapit sa  Eastern Pacific ocean,kung saan nabubuo ang bagyo”,ayon kay Tibig.

Sinabi rin ni Tibig na dapat umanong matutunan ng pamahalaan na maibalanse ang lahat para makatulong tayo na makabawasmga naiipong in house gases. Jocelyn Tabangcura Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply