Nakipag-eyeball sa motel: 40-anyos bebot natigok

RIZAL-Sa halip na mag-init, nanlamig ang katawan ng isang sundalo nang bigla na lamang bumula ang bibig at ilong ng 40 anyos na ka-date, ilang minuto matapos silang mag-check in sa isang hotel kamakalawa ng gabi sa bayan ng Tanay.

Kinilala ni Tanay chief of Police P/Supt. Felipe Abigan Jr. ang biktima na nalagutan ng hininga habang isinusugod sa pagamutan na si Rowena Rivera, may asawa, ng Sitio Balimbing, Brgy. Plaza Aldea ng bayang nabanggit.

Pansamantala namang pinipigil sa himpilan ng pulis-ya ang umano’y lover nito na si TSgt.  Joel Torno, 47 anyos, may asawa, miyem-bro ng Philippine Army na nakabase sa 2nd ID MIB, Camp Capinpin at residente ng Chipeco Subd., Brgy. Buboy, Nagcarlan, Laguna.

Sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi nang mag-check-in ang lovers sa Don Pedro Hotel na matatagpuan sa Sitio Bukal, Brgy. Tandang Kutyo, Tanay.
Subalit hindi pa natataga-lan ang dalawa ay biglang lumabas ang suspek at humi-ngi ng tulong sa mga kinata-wan ng hotel.

Nang rumesponde ang mga tauhan ng hotel ay ina-butan nila ang ginang na naka-higa sa kama at bumubula ang bibig at ilong.

Mabilis na isinugod sa Tanay General Hospital ang ginang subalit hindi na ito umabot nang buhay.
Inaalam na ng pulisya kung mayroong naganap na foul play sa pagkamatay ng ginang. Nabatid din na mag-ka-textmate ang dalawa at nang magkasundong magkita ay humantong ang mga ito sa hotel.  Jhie Concovar/ Cesar Barquilla

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply