Namaril sa tambay hinatulan

HINATULAN ng labing apat na taong pagkabilanggo ang isang akusado na namaril sa harapan ng barbeque stand na ikinasugat ng isang kostumer, sa Parola Compound, Binondo, Maynila, may 4 na taon na ang nakalipas.

Matapos mapatunayang guilty  ni Manila Regional Trial Court (RTC), Branch 52, Judge Antonio Rosales ang akusadong si Pablito Patlonag, Jr., sa kasong frustrated murder ay inatasan din nitong magbayad ng halagang P25,000, para sa exemplary damages sa biktimang si Bonifacio Lebrilla.

Si Lebrilla ay  nilapatan ng lunas  sa pagamutan matapos magtamo ng bala sa kaliwang hita nang matamaan sa walang habas na pagpapaputok ni Patlonag noong gabi ng Hulyo 23, 2006 habang bumibili ng barbeque.

Hindi naman kinatigan ng korte ang alibi ng akusado na noong maganap ang insidente ay nasa lalawigan siya ng Samar hanggang Disyembre ng 2006.

Sa halip, ang testimonya ng biktima ang kinatigan ng hukom, na namukhaan nito ang akusado dahil sa maraming ilaw. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply