Nambatok pinatay

PATAY ang isang lalaki nang buweltahan ng saksak ng binatukan nito, sa Caloocan City.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo General Hospital sanhi ng saksak sa dibdib si Dante Gajana, 36, ng BMBA cmpd., ng nasabing lungsod, samantalang sumuko sa pulisya si Domingo Brimon, 36, ng 3rd ave.

Sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw, sa hindi pa batid na kadahilanan ay binatukan ng biktima ang suspek.

Umuwi ng bahay si Brimon  at kumuha ng patalim bago binalikan ang biktima saka walang salitang sinaksak ang huli.

Matapos ang insidente ay dinala ang biktima sa TGH habang kusang loob naman na sumuko sa pulisya ang suspek. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply