Nanita ng maingay pinatay

PINAGTULUNGANG bugbugin at pagsasaksakin ang isang lalaki na ikinasawi nito matapos manita sa isang grupong nag-iinuman at nag-iingay, Angono Rizal.

Dead on Arrival sa Antipolo District Hospital  ang biktimang si Alvin Latiere, 32 anyos, may-asawa, ng Blk. 26, Lot 6. Duraville, Brgy. Mahabang Parang at ang mga suspek na kaagad na naaresto ay nakilalang sina Jeffrey Reniva, 25-anyos; Nerwin Rayala, 21-anyos; Lawrence Camura, 25-anyos; Rolando Mendoza, 21-anyos; Dennis Salipot,19-anyos at Joselito Tisalona, pawang kalugar ng biktima.

Napag-alaman na ganap na alas-11:30 kamakalawa ng gabi ay nag-iinuman ang mga suspek malapit sa bahay ng biktima.

Dahil malakas ang kuwentuhan at bidahan ng mga ito ay lumabas ng bahay ang biktima at sinaway ang naturang mga nag-iingay.

Dahil dito ay nagkaroon nang mainitang pagtatalo kaya pinagtulungang bugbugin at pagsasaksakin hanggang sa masawi ang biktima. Jun Ferrer

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply