NCAA at San Beda Red Lions

BIGYAN natin ng daan at sariwain ang isang memorableng bahagi ng ating buhay-kolehiyo.

Tinutukoy ko po ang taunang torneo sa basketbol ng National Collegiate Athletic Association, na hanggang ngayon ay masugid po nating sinusubaybayan.

Sensya na, mga Bok, pero di maiwasang San Beda Red Lions po ang ating koponan, dahil sa San Beda College po tayo nag-tapos ng kurso sa Journalism at  Batas (law), at  nagturo ng matagal sa college of law nito. Obligado tayong mag-cover noon ng games dahil naging editor tayo ng The Bedan (school organ).

Laging kasama natin sa panonood si Atty. Rene J. Katigbak (kapwa natin Bedista at campus editor noong araw), na matagumpay na sa real estate industry.

Di mailarawan ang tuwang nadarama namin tuwing nakasusungkit ng panalo ang Mendiola-based Lions, lalo na sa mga kam-peonato. Ang mga panalong yon ng SBC – at mga matitinding hamon na nasukat nila bago makamit ang tagumpay – ay bahagi ng aming collective inspiration na lalo pang pag-ibayuhin ang pagsisikap at pagpupunyagi sa matinik na landas ng buhay.

Sabi nga ni Coach Bonnie Car-bonell, life is basketball – and you will derive lasting lessons from the discipline, attitude and values that it requires, as well as in the ups and downs in the games.

Tumpak, mga Bok. Kaya saksi kami ni Atty. Katigbak noong unang naglaro sa Rizal Memorial Stadium (permanent venue ng NC noong araw) si Francis Arnaiz ng Ateneo Blue Eagles, Atoy Co ng Mapua Tech Cardinals, Dave Marcelo ng Colegio de San Juan de Letran  Knights at Lim Eng Beng ng Dela Salle Green Archers.

Sariwa pa sa alaala namin ni Rene ang closed-door 1977-1978 championship game ng San Beda laban sa Ateneo. Nakapayong kami sa buong durasyon ng laro dahil umuulan ng spark plugs, tin cans at kung ano-ano pang matitigas na bagay sa loob ng Araneta.

Sa labanang yon ay nagapi ng koponang kinabibilangan nina Abe King, Jaybee Yango, Chito at Joey Loyzaga, Chuck Barreiro, Ber at Cholo Martin, Frankie Lim at Elmer Reyes ng San Beda  ang  Ateneo Blue Eagles na pinangunahan naman nina Joy Carpio, Marte Samson at Joy Cleofas.

Nasa Araneta rin kami nina Rene at Makati RTC Judge Ul-barico Umali kada importanteng laro ng Sam Ekwe-led San Beda noong masungkit nito ang 3-peat championship mula 2006 hanggang 2008. But due to their previous commitments, di na  natin nakasama ang dalawa  nitong  Miyerkules,   nang gumawa ng kasaysayan ang  Red Lions sa 16 sunod-sunod na panalo sa NC at the expense of the defending champions, San Sebastian Stags.

Congrats, Red Lions!  You did us (SBC alumni/fans/supporters) immensely proud, again! Win for us, please,  the  86th (2010)  NCAA  Men’s Basketball trophy, will you? Alex Almario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply