NCAA Final 4 kinumpleto ng Cards

NADAGIT ng Mapua Cardinals ang ika-apat at huling slot ng Final 4 ng 86th NCAA men’s basketball tournament kasunod ng pagpapadapa sa St. Benilde Blazers, 64-59.

Binubuo ng San Beda (14-0), San Sebastian (13-1), Jose Rizal (11-4) at ng Mapua ang Final 4 matapos na ilaglag ang naghahangad na San Juan de Letran Knights na tangan ang 6-8  analo-talong slate.

Labis ang kasiyahan ni Cardinals coach Chito Victolero sa panalo dahil sa dalawang bagay, una ay ang pagkakalaktaw nila sa record na naitala noong 2009 na 6-12 panalo-talo at ang pagkakapasok nila sa Final 4.

Ang mga clutch basket ni Rodel Ranises ang naghatid ng panalo sa Intramuros-based team na binubuo ng 4 triples. Nakabalik ang Cardinals sa Final 4 sa kabila ng pagkalaglag noong nagdaang season.

Sa unang laro, nairehistro ng Perpetual Help Altas ang kauna-unahang panalo sa pagpapasaludo sa Emilio Aguinaldo Generals, 69-52 na nagpabagsak sa Generals sa 2-13 slate.

Magbabangong puri ang Arellano Chiefs laban sa San Sebastian Stags habang pipiliting mapanatili ng San Beda Red Lions kontra Letran Knights ngayong hapon sa The Arena, San Juan City. RT

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply