NCRPO puwersa dinagdagan sa barangay at SK election

NAGDAGDAG ng 2,000 pulis ang pamunuan ng National Capital Region Police Office upang ipakalat sa iba’t ibang lugar sa buong Metro Manila hinggil sa nalalapit na barangay at Sanguniang Kabataan Election sa darating na Oktubre 11 taong kasalukuyan.

Ayon kay PIO Sr. Supt Dionard Carlos, batay sa kautusan ni Director Gen. Raul Bacalzo, na magdaragdag ng 2,000 pulis sa mga lugar na posibleng maging hot spot partikular na sa lungsod Quezon na may pinakamaraming barangay sa buong Metro Manila.

Magkakaroon din ng malawakang check point upang bantayan ang bawat lugar sa buong Kamaynilaan kung saan ipapatupad ang malawakang gun ban ng Comelec.

Kaugnay nito nilinaw naman ni NCRPO Dir. Leo Santiago, na kanilang ipatutupad ang “heigtained alert” ang buong Metro Manila upang mabawasan ang mga karahasan sa darating na eleksiyon. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply