Negosasyon ng PAL sa mga empleyado ‘bigo’

WALA nang kinahinatnan at bumagsak ang dalawang araw na mediation effort ng Department of Labor and Employment-National Conciliation and Mediation Board hinggil sa labor issues sa pagitan ng Philippine Airlines (PAL) at Flight Attendants and Steward Association of the Philippines  (FASAP).

Napag-alaman kay FASAP Vice President Andy Ortega na sa dalawang araw na pag-uusap nila sa PAL management nitong nakaraang linggo  nanatiling ‘blangko’ pa rin ang kanilang negosasyon.

“Walang naresolba  sa  dalawang beses na  meetings na iyon. Medyo nakaka-disappoint, kasi mukhang hindi interesado ang PAL na maayos ito. Walang nangyari after two meetings,”  wika ni Ortega.

Maalala na una ng inanunsyo ng grupo na nilimitahan na lamang nila sa tatlong issues ang kanilang demand sa PAL, at kabilang dito ang retirement age, economic issues at pregnancy/maternity benefits.

Sa Miyerkules, muling ipagpapatuloy ang tripartite talks sa layuning mahanapan ng solusyon ang problema at maiwasan ang nakaambang strike ng mga stewards at flight attendants laban sa nangungunang flag carrier ng bansa.

“Pero kung pagbabasihan natin ang nangyari sa naunang dalawang meetings, ika nga, hindi ganoon kaganda ang posibleng mangyayari,” dagdag pa ni Ortega.

Sa mga naunang pahayag naman ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz, tiwala  ang gobyerno na sa gagawing pag-uusap ay mapapahupa ang sitwasyon sa kaso ng flag carrier ng bansa matapos magbanta ang grupo ng mga stewards at flight attendants ng malawakang strike. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply