Negosyanteng inambus, patay

HINDI na umabot nang buhay sa Emilio Aguinaldo Memorial Hospital ang isang negosyante na nagdedeliber ng mga prutas at gulay  makaraang pagbabarilin habang binabagtas ang kahabaan ng Brgy. Santiago, Gen Trias, Cavite.

Batay sa ulat na nakalap sa tanggapan ni Cavite PNP provincial director, Sr. Supt. Danilo Maligalig, kinilala ang biktimang si Elmer Ilagan, 38-anyos, may-asawa, negosyante at kasalukuyang residente ng Lavanya Subd., Brgy Bacao 1, ng nasabing bayan.

Patuloy naman ang ginawang follow-up operation ng pulisya para sa ikadarakip ng hindi pa nakikilalang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo na walang plaka, matapos na pagbabarilin ang biktima.

Sa  imbestigasyon ni PO2 Brendo Llanda, dakong alas-3:30 ng hapon nang maganap ang krimen habang sakay ang biktima ng kanyang  jeep na may plakang  DPR-645, kasama ang kanyang pahinante, nang biglang sumulpot ang mga salarin saka binaril ang biktima na tinamaan sa dibdib na sanhi ng kamatayan nito.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo ng bala ng kalibre .45, habang dinala ang labi ng biktima sa  Sepacio Valdez Funeral homes. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply