Nene dalawang ulit ginahasa ni kuya

DINAKIP ng pulisya ang isang lalaki makaraang dalawang ulit nitong hinalay ang 13-anyos na dalagitang kapatis, sa Quezon City.

Kinilala ni Supt. Ramon Mauleon Perez, ang suspek na si Salvador Galvante, 40, ng  Area A Pasacola st.,  Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches,  ng nasabing lunsod.

Sa salaysay ng biktimang si Nene (hindi tunay na pangalan), sa tuwing dumarating siya sa bahay mula sa paaralan ay sinasalubong siya ng  kanyang kuya upang palitan siya ng  damit, lalo na kapag walang nakakakita.

Ayon kay  PO3  Rosalina Revu,  dalawang ulit na minolestiya ng suspek ang biktima nitong nakaraang buwan habang nasa malayong lugar ang iba pa nilang kapatid .

“Dalawang  beses  na po  niya akong ginahasa. Inilalagay po niya sa aking pusod  ‘yung lumalabas sa ari niya. Kahit po umiiyak na ako sa sakit ay bale wala sa kanya”. ito ang nakasaad sa sinumpaang salaysay ng biktima.

Ayon sa biktima,  dahil sa takot at bantang papatayin silang lahat kapag nakulong ang suspek,  kaya napigilan siyang magsumbong sa kanyang ate at mga kamag-anak.

Nabatid sa ikatlong pagkakataon,  bandang alas-4:00 kamakalawa ng hapon, habang nagbibihis ang biktima ay muling ipinilit ng suspek ang kagustuhan na bihisan siya ng damit subalit tumanggi na siya saka tumakbo palabas ng bahay, saka isiniwalat sa kanyang hipag ang mga kahalayan na naganap.

Dahil dito ay kaagad na kumilos ang mga operatiba ng Quezon City Police Station 4  at inaresto sa loob ng kanilang tahanan ang suspek. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply